ANG IKALAWANG PAHINA Kaya naman, sa aking pagsisiyasat sa ating panahon, napagninilaynilayan ko na mahal talaga ni PNoy ang wikang Filipino dahil ang wikang Filipino parin ang kanyang ginamit sa kanyang SONA. Tinanong nga ang kanyang tagapagsalita kung bakit daw ito ang kanyang ginamit. Sabi niya, para daw maintindihan ng nakararami ang mga programa ng administrasyon at upang ipakita ng pangulo ang pagmamahal sa ating sariling wika. Hindi naman sa pagkontra sa dating administrasyon, pero gusto ko lang ikumpara ang SONA ni PGMA kay PNoy. Bagamat nakakabilib para sa iba ang pakinggan ang talumpati ni PGMA na lahat ay ginamitan ng wikang Ingles, sigurado naman ako na hindi ito naintindihan ng nakararaming Pilipino na nakikining sa kanyang SONA. Pero sa SONA ni PNoy, mas naiintindihan ito ng bawat Pilipino sapagkat ito ang ating wika at bihasa tayo nito. Mas nakakaingganyong pakinggan dahil atin itong naiintindihan. Hindi naman sa pagkundina sa paggamit ng wikang Ingles, kaya l...