ANG IKATLONG PAHINA
Ngunit hindi naman masama ang p[agtangkilik ng mga bagay na mula sa ibang bansa, kaya lamang, dapat nating unahin ang mula sa atin at nang hindi lamang tayo nakatutulong para sa ating sariling bansa kundi nagiging huwaran pa tayo sa iba natin kababayan na mahalin ang sariling atin lalunglalo na ang wikang atin—ang wikang Filipino.Kaya nais ko lamang paalalahanan ang bawat Pilipino na ang pagmamahal sa ating wika’y dapat unahin natin bago ang iba upang magkaroon tayo ng ilaw at lakas tungo sa matuwid nating landas dahil walang ibang taong magmamahal sa ating wikang Filipino kundi tayo mismo.
Kailangan nating simulan ito kahit sa maliit na bagay lamang, sa ating paaralan, at maging sa pakikipag ugnayan sa bawat isa gaya ng ginawa ni PNoy na ginamit niya ito sa kanyang SONA at nang sa iba ay taas noong sundin ang mga halimbawang ating iniwan.
Ngayon sa buwan ng Agosto, sa muling pag sariwa sa ating sariling wika ay gumawa tayo ng mga bagay na hindi lamang magbibigay ng karangalan sa ating mga sarili kundi pati narin sa ating bayan. Sariwain natin ang buwan ng sariling wikang Filipino sa pamamagitan ng pag alala sa mga nagawa n gating mga lider upang magkaroon tayo ng isang wika—ang wikang nakapag-isa ba iba’t-ibang wika at dayalekto sa Pilipinas at ang wikang naging ilaw at lakas nating mga Pilipino upang lumaban sa ano mang barikada ng pagpapayaman ng ating wika.
Sa pagtatapos ng aking munting talumpati ay nais ko lang iwanan ang isang munting sawikain sa inyu, “Mahalin ang wika at pagyamanin upang ang susunod na henerasyo’y taas noo itong Sundin”
At ditto ko po tatapusin ang aking talumpating handog ngayon sa buwan ng pag-alala sa wikang sariling atin—ang Wikang Filipino sa sadyang naiiba sa lahat.
Copy from my old email account. Accessed on 21st of April 2016.
Comments
Post a Comment