Isn't it hilarious? HAHAHA! Nice try anyway for a first-year college student right? :) Makagagawa pa ba tayo ng gaya nitong mga talumpati?
ANG UNANG PAHINA
Sapagkat ang wika’y panlahat, dapat natin itong gamitin sa pang araw araw na pakikipag ugnayan at pakikipag usap sa lahat ng mga Pilipino dahil hindi lamang ito nagsisimbolo ng isang dayalekto sa Pilipinas kundi ito’y panlahat. Kagaya ng sinabi ni Jose Rizal, “Ang Hindi Marunong Magmahal sa Sariling Wikay ay Higit Pang Mabaho sa Malansang Isda.” Ang wikang ito ng ating pambansang bayani ay isa lamang sa kanyang mga makabayang pamana tungkol sa pagmamahal sa ating sariling wika—ang Wikang Filipino. Ang paalalang ito ng ating bayani ay hindi dapat kalimutan sapagkat an gating wika’y huwad din sa iba at dapat ipagmalaki.Dapat natin itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod na henerasyon. Ang panghihiram ng mga salita sa ibang wika ay hindi dapat natin itakwil, bagkus ating itong tanggapin ng buong puso sapagkat parti ito ng ating nakaraan—na tayo ay naging sakop ng ibang mga bansa gaya ng Espanya at ng Amerika. Ang mga wikang hiniram natin sa mga bansang ito ay dapat nating ipagmalaki sapagkat isa lamang ito sa mga magagandang pamana ng mga bansang sumakop sa atin noong una.
Hindi rin natin dapat itakwil ang mga salitang ipinamana ng iba pang mga dayuhan na nag ambag upang mapayaman ang wikang Filipino gaya na lamang ng mga tsino na kung saan hindi man nila sinakop ang Pilipinas ay nakipag ugnayan naman ito ng kanilang mga produkto at kagamitan bago paman dumating angt mga mananakop sa atin. Ipagmalaki natin an gating ugnayan sa kanila lalunglalo na ang kanilang mga ipinamanang wika.
Kaya mga kababayan kong Pilipino, huwag tayong mahiya sa ating wika. Ipagmalaki, pagyamanin, at gamitin natin ito kagaya ng ginawa n gating pambansang bayani na si Rizal na kahit marami na siyang alam na wika’y taas noo parin niyang ginamit ang ating wikang Filipino sa kanyang mga obra kahit saan man siya pumunta. Isa lamang halimbawa nito ang kanyang pagsalin ng mga obra ng dayuhang manunulat sa ating wika.
Comments
Post a Comment